BERLIN/DUESSELDORF (Reuters) – Pinaghahanap ng German police ang isang asylum-seeker mula sa Tunisia matapos matagpuan ang isang identity document sa ilalim ng driver’s seat ng truck na umararo sa Berlin Christmas market na ikinamatay ng 12 katao, sinabi ng mga opisyal noong Miyerkules.

Nag-alok ang federal prosecutor’s office ng pabuyang 100,000 euros ($104,000) para sa makapagbibigay ng impormasyon sa ikakahuli ng suspek, na kinilalang si Anis Amri, 24-anyos.

“Beware: He could be violent and armed!” sabi ng prosecutor’s office sa pahayag, na inilarawan si Amri na may taas na 5’8” feet, itim ang buhok at brown ang mata.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa