tom-at-carla-copy-copy

MAAGANG natupad ang Christmas wish ni Tom Rodriguez dahil lumipad na siya kahapon -- pagkatapos ng last taping day ng primetime drama series nila ni Lovi Poe na Someone To Watch Over Me (STWOM) papuntang Arizona, USA para makapiling ang kanyang pamilya ngayong Pasko.

Noong March pa ang huling uwi niya sa kanila, nang ma-diagnose ng lung cancer at maoperahan ang daddy niya.

Successful ang operation at ngayon malalaman kung totally healed na ang ama sa check-up na isasagawa.

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Naging inspiration ni Tom ang ama sa role na ginampanan niya sa STWOM, kahit iba naman ang sakit niya sa istorya (Alzheimer’s disease). 

Maraming napaiyak na tagasubaybay sina TJ (Tom) at Joanna (Lovi) dahil tagos sa puso ang mga eksena at mahusay ang acting ng dalawa.

“Happy po kami na naging open ang mga viewers sa ganitong mga story,” sabi ni Tom. “Sa akin, ito na ang pinaka-challenging role na nagampanan ko, physically and emotionally. Kaya nakakatuwa na saan man ako pumunta, may nagsasabi na sinusubaybayan nila kami at nakaka-relate sila, lalo na kung may mga maysakit sa kanilang pamilya.

“Nagpapasalamat sila na may ganitong show ang GMA-7 na nakakatulong sa kanila na maintindihan ang mga ganitong kaso.

Tiyak na magugustuhan nila ang finale namin, dahil binabasa ko pa lamang ang script, naiiyak na ako. I’m proud na ginawa ko ang role na ito. Mami-miss ko ang bonding ng buong cast, parang ang hirap i-detach ang sarili ko sa kanila dahil naging parang isang family kami na nagtutulung-tulong para kay TJ.”

Naikuwento na sa amin kung ano ang magaganap finale, kaabang-abang at kinurot kami sa puso.

“Kahit ako may natutunan dito sa serye namin. Ngayon ko nari-realize ang kahalagahan ng pagkakaroon ng clean body. I have my regular check-ups. Gusto kong I’ll be here for my future family, for my wife and my kids,” sabi pa ni Tom.

Biniro namin si Tom na uso ngayon ang engagement at marriage proposal ng mga artista. Kailan naman sila ni Carla Abellana na two years and a half niyang karelasyon?

“Naka-mind set na ako roon, inihahanda ko na ang lahat para sa proposal ko sa kanya. For me, it’s no other na than Carla, she is the best for me,” prangkang sagot ni Tom.

Hindi ba sila magkasama ni Carla ngayong Christmas?

“Hahabol siya, makakasama namin siya ng family ko sa New Year,” masayang sagot ng binata. (NORA CALDERON)