shintaro-at-anette-copy

SINULAT namin ilang buwan na ang nakararaan ang tungkol sa magandang relasyon nina GMA Films President Atty. Annette Gozon at dating aktor na negosyante na ngayon na si Shintaro Valdes base sa mga litratong ipino-post nila sa kani-kanilang Instagram account na sweet na sweet sila at magkayakap.

Ikinasal na sila nitong Martes (Disyembre 20) at dinaluhan ito ng pamilya at malalapit na kaibigan ng dalawa.

Hindi ipinagmakaingay ang paghahanda sa nasabing kasalan at maging ang relasyon nina Shintaro at Ms. Annette ay hindi rin masyadong pinag-uusapan o ginagawang showbiz, base na rin sa kuwento ng taong malapit sa GMA executive na nagulat pa nu’ng isulat namin.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Pangalawang kasal na ito ni Ms. Annette na annulled na sa unang naging asawang si Atty. Lito Abrogar at una naman ni Shintaro.

Mula sa Balita, best wishes and congratulations to Mr. and Mrs. Shintaro Valdes. (Reggee Bonoan)