Sa kamatayan nauwi ang pang-iisnab sa pulis ng isang lalaki sa Tondo, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Patay na nang isugod sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center si Augusto Bulan, ng Pier 18, Vitas Street, Balut, Tondo, Maynila.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek na si PO2 Roderick Maniti, nasa hustong gulang, nakatalaga sa National Capital Regional Police Office (NCRPO) at residente ng Malabon City.

Sa pagsisiyasat ni SPO3 Milbert Balinggan ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 5:20 ng madaling araw nangyari ang insidente sa Claro M. Recto Avenue, malapit sa panulukan ng Sto. Cristo St., Tondo.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Naglalakad umano ang biktima at kasamahan niyang si Rodolfo, 16, patungo sa kanilang warehouse nang mapansing sinusundan na sila ng suspek.

“Ok ka lang, Pare,” bati pa umano ng suspek sa biktima na hindi naman pinansin ng huli at sa halip ay nagpatuloy sa paglakad.

Ikinagalit umano ni Maniti ang hindi pamamansin ni Bulan kaya binunot nito ang kanyang baril at pinaputukan ang biktima.

Hindi pa nasiyahan, nilapitan pa ng suspek ang biktima at malapitang binaril sa iba’t ibang bahagi ng katawan bago umalis na parang walang nangyari. (Mary Ann Santiago)