Binitawan ni Judge Silverio Mandalupe ng Davao City Municipal Trial Court in Cities Branch 3 ang kaso ni Edgar Matobato, ang umaming hitman ng Davao Death Squad (DDS).

Bago ito naghain si Atty. Jude Sabio, abogado ni Matobato, ng motion to inhibit sa presiding judge ng MTCC Branch 3 dahil bias daw ito partikular sa pag-isyu ng dagdag na warrant of arrest laban sa kanyang kliyente kahit naka-pending pa ang kanilang motion for transfer of hearing sa korte.

Sa Disyembre 27 o 28, malalaman kung sino ang susunod na hahawak sa kasong illegal possession of firearms ni Matobato. (Beth Camia)

Bretman Rock, ibinida ang Filipina Barbie Doll na likha ng Fil-Am artist