james-taylor-copy

KINANSELA ni James Taylor ang kanyang concert sa Mall of Asia Arena sa Pebrero 25 sa susunod na taon, bilang protesta sa diumano’y extrajudicial killings sa Pilipinas.

Ayon sa post ng Grammy-award winning singer/composer sa kanyang Facebook at Twitter accounts nitong Martes, Disyembre 20, matagal na niyang ninanais na muling makapagtanghal sa Pilipinas at para sa mga tagasuportang Pinoy kaya idinagdag nila ang Manila sa mga siyudad na nais nilang puntahan sa pinaghahandaang Pacific tour sa 2017.

“I don’t think of my music as being particularly political but sometimes one is called upon to make a political stand,” saad ni James Taylor sa kanyang post.

Mga Pagdiriwang

Malacañang, idineklarang regular holiday ang Abril 1

“The scourge of addiction is a worldwide problem and does serious harm, not only to the addict but to our society.

For a sovereign nation to prosecute and punish, under the law, those responsible for the illegal trade in drugs is, of course, understandable, even commendable; but recent reports from the Philippines of summary executions of suspected offenders without trial or judicial process are deeply concerning and unacceptable to anyone who loves the rule of law,” dagdag pa niya.

Nagsimulang umusbong ang karera ni James Taylor, 68, noong 70s nang ilabas niya ang mga nilikhang awitin gaya ng Fire & Rain, Carolina in My Mind, at iba pa at lalo pang sumikat nang ipakanta sa kanya ni Carole King ang komposisyon nitong You’ve Got a Friend. Limang beses na siyang ginawaran ng parangal ng Grammy Awards.

Sa interbyu sa kanya kamakailan, binuksan ni Taylor ang diskusyon ukol sa kanyang recovery sa pagkakalulong sa heroin noong kabataan niya bago pa man siya pumasok sa tinahak na karera. Ipinasok siya sa mental asylum noong kanyang kabataan at pinalad na maka-recover nang matagpuan ang kanyang likas na talino sa musika.

Sa kabilang banda, humingi ng paumanhin ang singer sa mga tagasuportang Pilipino sa naudlot na pagtatanghal at tiniyak na maibabalik ang perang ipinambili ng mga ito para sa tickets ng concert.

Nagpasalamat din ang singer-songwriter sa kanyang promoter na si Renen de Guia sa pang-unawa sa kanyang naging desisyon.

Gayunpaman, tuloy pa rin ang kanyang nakatakdang pagtatanghal sa Hong Kong, Singapore, Australia at New Zealand.

(Dianara T. Alegre)