Hindi sukat akalain ng mga katrabaho ng isang factory worker na huling party na niya ito matapos itong matagpuang walang buhay habang nagdiriwang ng Christmas party sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.

Dead on arrival sa Valenzuela City Medical Center si Erickson Coronado, 21, ng Nuestra Senora Homes, Panghulo, Malabon City.

Ayon kay PO3 Joel Madergalejo, nag-Christmas party ang grupo ng biktima sa VIP room ng isang resto bar na matatagpuan sa Governor Santiago Street, Barangay Malinta, Valenzuela City, dakong 7:00 ng gabi.

Makalipas ang limang oras na inuman at kainan, nagpasya na ang mga kasamahan ni Coronado na tapusin na ang party at kinuha na ang kanilang bill para mag-uwian.

National

Sen. Bato, 'di raw papahuli sa ICC: 'Hindi ako lalabas sa aking comfort zone!'

Habang palabas ng bar, napansin ni Reggie Bargo, isa sa mga katrabaho ng biktima, na wala si Coronado kaya muli nila itong binalikan sa loob.

Wala umano ang biktima sa kuwarto kaya pinuntahan nila ito sa banyo at dito na tumambad ang bangkay ni Coronado.

Base sa report, may sakit sa puso at baga ang biktima kaya ipinagbabawal ng doktor ang pag-inom ng alak at pagpupuyat.

Patuloy ang imbestigasyon sa pangyayari. (Orly L. Barcala)