TACURONG CITY, Sultan Kudarat - Nauwi sa trahedya ang sana ay masayang Christmas Party ng mga senior student sa Virginia F. Griño Memorial High School sa lungsod na ito makaraang makuryente at masawi ang isa nitong estudyante.

Patay sa kuryente si Renel Balayon Banda, 17, senior high school student at taga-Purok Dahlia, Barangay Buenaflor, habang nasa mabuti nang kalagayan ang kaibigang niyang si Laurino Baroquillo, 20, kamag-aral at sumaklolo kay Banda.

Ayon sa mga saksi, inaayos ni Banda ang Christmas lights nang bigla na lang umano itong tumilapon at mangisay at kaagad namang sumaklolo si Baroquillo, na nakuryente rin.

Dahil dito, kinansela na ng paaralan ang Christmas Party na itinakda kahapon. (Leo P. Diaz)

Probinsya

Lalaking kusa umanong tumalon sa kulungan ng buwaya, sinakmal!