Pormal nang kinasuhan kahapon ng Department of Justice (DoJ) sa Quezon City Metropolitan Trial Court si Senator Leila De Lima kaugnay ng pagpigil sa kanyang dating driver-bodyguard na si Ronnie Dayan na dumalo sa pagdinig ng Kamara kaugnay ng operasyon umano ng droga sa New Bilibid Prison (NBP).

Pirmado ni acting Prosecutor General Jeorge Catalan ang kautusan para makasuhan si De Lima sa paglabag sa Article 150 ng Revised Penal Code o disobedience to summons.

Lumagda naman sa reklamo sina Oriental Mindoro Rep. Reynaldo Umali, chairman ng House committee on justice; at House Speaker Pantaleon Alvarez.

Ang kaso ay kaugnay sa reklamo ng Kamara sa pag-uutos umano ni De Lima kay Dayan na magtago muna upang makaiwas sa House hearing.

National

China, walang natanggap na asylum application sa kampo ni FPRRD

Kapag napatunayang nagkasala, maaaring magmulta si De Lima at makulong ng isa hanggang anim na buwan.

Itinuturong kolektor umano ng drug money ni De Lima sa NBP, matatandaang ipinakita ng anak na babae ni Dayan sa pagdinig ng Kamara ang text message sa kanya ni De Lima na nagpapayo na magtago muna si Dayan upang makaiwas sa House probe sa usapin. (Beth Camia at Jun Fabon)