LA PAZ, Tarlac - Nakatangay ng malaking halaga ng pera ang umano’y mga miyembro ng Akyat Bahay gang at naaresto ang isa sa kanila matapos looban ang isang senior citizen sa Purok 1, Barangay Mayang sa bayang ito, Martes ng madaling araw.
Pag-aari ni Julio Valdoz, 67, may asawa, ang bahay na pinasok ng grupo ni Wilson Tamayo, 50, binata, ng Bgy. Mayang.
Natangay umano ng mga suspek ang P22,000 cash ni Valdoz. (Leandro Alborote)