Sinundo muna sa bahay ng dalawang ‘di pa nakikilalang suspek ang isang tricycle driver bago binaril at pinatay sa Tondo, Maynila, kamakalawa ng gabi.

Agad ikinamatay ni Efren Mamocod, Jr., 27, ng 1018 B. Hermosa Street, Tondo, Maynila, ang tinamong tama ng bala sa ulo at dibdib habang nakatakas naman ang mga suspek na kapwa armado ng ‘di pa batid na kalibre ng baril.

Sa ulat ni Police Supt. Alex Daniel, station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 7, dakong 12:00 ng hatinggabi nang mangyari ang krimen sa Tayag St., malapit sa kanto ng Hermosa St., Tondo.

Nauna rito, ayon kay Marcelina, asawa ng biktima, dakong 11:50 ng gabi, kauuwi lamang ni Efren mula sa pamamasada nang sunduin ito ng mga suspek sa kanilang tahanan at niyaya sa Tayag Street dahil mayroon umano silang aayusing problema sa isang kaibigan.

National

Ofel, mas humina pa habang nasa vicinity ng Gonzaga, Cagayan

Gayunman, makalipas ang 10 minuto ay may nagbalita na lang umano kay Marcelina na pinatay na ang asawa.

Naniniwala naman ang mga awtoridad na posibleng may kinalaman sa ilegal na droga ang krimen matapos kumpirmahin ni Barangay Kagawad Federico Carig, ng Barangay 200, Zone 18, na kilalang drug user ang biktima sa kanilang lugar. (Mary Ann Santiago)