barbie-kasama-sina-ivan-jak-addy-at-ken_first-quarter-ng-siyete-copy

TIYAK na maganda ang pasok ng Bagong Taon sa Kapuso Network dahil simula nang ipalabas ang kanilang omnibus plug para sa kanilang 1st quarter Telebabad shows sa 2017, maraming viewers ang excited nang mapanood ang mga ito.

Hindi na sila makapaghintay sa Destined To Be Yours na pagbibidahan ng phenomental loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza; Meant To Be ni Barbie Forteza at ng kanyang apat na leading men na sina Ivan Dorschner, Addy Raj, Jak Roberto at Ken Chan; at ang My Love From The Star na pagbibidahan ni Jennylyn Mercado kasama ang pinakabagong Kapuso heartthrob na si Gil Cuerva.

No wonder, usap-usapan nang magiging top-rating din ang mga ito tulad ng kasalukuyang Telebabad programs Siyete na Encantadia, Alyas Robin Hood at Someone To Watch Over Me dahil talagang tinututukan at sinusuportahan ng mga manonood.
Human-Interest

Asong malungkot din sa pagkamatay ng fur dad, dumurog sa puso ng netizens