ogie-copy

OFFICIAL nang Kapamilya si Ogie Alcasid matapos ang ilang linggong hulaan at pabitin na sagot niyang, “Abangan na lang ninyo.”

Hindi naging madali ang lahat kay Ogie kahit whole career nang nasa crossroads ang kanyang pagdedesisyon.

“Humingi ako ng tulong sa Panginoon para gabayan. Dinaan ko ang lahat sa panalangin. Sa pag-guest ko sa maraming shows sa ABS-CBN ay nadama ko ang mainit nilang pagtanggap at ipinaalalang sa kanila ako nagsimula noong taong 1993.

Human-Interest

Perwisyo! Netizen gumanti sa kapitbahay na nagparada ng kotse sa harap ng bahay niya

Dahil dito ay medyo naging madali ang pagpapasya na tanggapin ang offer,” wika ni Ogie.

Ang unang proyekto ni Ogie ay ang pagiging isa sa judges ng Your Face Sounds Familiar: Kids kasama sina Gary Valenciano at Sharon Cuneta. Mapapanood ito simula Enero 7, 2017.

Isa rin siya sa mga hurado sa “Tawag ng Tanghalan” sa It’s Showtime.

Ang kanyang pagiging magaling at competent na compose/singer/komedyante makes him most qualified for the task.

Tanggap sa panlasa ng madlang pipol, bata man o matanda ang pagpapatawa ni Ogie na kailanman ay hindi gumamit ng toilet humor or green jokes.

Sakop sa exclusive contract na pinirmahan ni Ogie sa ABS-CBN ang paglabas niya sa teleseryes at pelikula.

(REMY UMEREZ)