NEW YORK – Sa kauna-unahang pagkakataon, makikiisa ang NBA player at basketball media sa mga tagahanga para pagbotohan at piliin ang mga player na bubuo sa NBA All-Star na gaganapin sa New Orleans sa Pebrero. Magsisimula ang All-Star Voting, sa pangangasiwa ng Verizon, ganap na 11 n.u. ET nitong Linggo matapos ang laro sa Araw ng Pasko.

Binigyan ng pagkakataon ang mga tagahanga na bumuto sa NBA All-Star starter noong 1974-75 season. Ngayong taon, muling isinama ng liga ang partisipasyon ng mga tagahanga bukod sa player at NBA media. May kabuuang 50 porsiyento ang boto ng fans, habag tig-25 porsiyento ang player at media.

Sa pagboto, kailangang kompleto ang line-up na may tatlong frontcourt player, at dalawang guard para sa Eastern at Western Conference.

Maipadadala ng mga tagahanga ang boto sa NBA.com, NBA App (available sa Android at iOS), Twitter, Facebook at google Search, gayundin via Sina Weibo at Tencent Microblogs ng china.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala