Bagamat ligtas, kinakailangan munang tumigil sa pamamasada ng isang tricycle driver matapos pagsasaksakin ng kanyang kapitbahay sa Malabon City, kamakalawa ng gabi.

Agad inoperahan ang biktimang si Hilario Apolinar, 28, ng No. 127-95 Bronze Street, Barangay Tugatog ng nasabing lungsod, dahil sa tinamong saksak sa likod.

Nakatakas naman ang suspek na si Rowena Alcantara, nasa hustong gulang, at nakatakdang kasuhan ng frustrated homicide.

Sa report ni PO3 Alexander dela Cruz, dakong 7:45 ng gabi, lumabas ng bahay si Alcantara at tinawag si Apolinar na noo’y nasa loob ng bahay.

National

Usec Castro, binoldyak ni Maharlika sa 'pa-travel-travel lang' si VP Sara

Kinausap umano ng suspek ang biktima at pinagsabihang ayusin ang poso negro nito dahil umaalingasaw ang mabahong amoy.

Tumalikod lang umano si Apolinar at hindi pinansin si Alacantara na ikinagalit nito.

Dali-daling kumuha ng bote ang suspek at binasag saka pinagsasaksak sa likod ang biktima. (Orly L. Barcala)