TARLAC CITY - Isang malaking palaisipan ngayon sa pulisya ang tungkol sa bangkay ng lalaki na natagpuan sa Maliwalo Bypass Road sa Barangay Binauganan sa lungsod na ito, Lunes ng umaga.

Ayon kay SPO1 Jesus Abad, ang bangkay ay may taas na 5’2”, balingkinitan, maputi, nakasuot ng asul na T-shirt, light blue short pants at may tattoo sa dibdib at likod.

May tama ng bala ng baril ang bangkay, nabatid sa awtopsiya.

Nakalagak ngayon ang bangkay ng lalaki sa Ilagan Funeral Homes sa Bgy. San Nicolas, Tarlac City. (Leandro Alborote)

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog