TANGERANG, Indonesia (AP) — Napatay ng Indonesian police ang tatlong pinaghihinalaang militante sa raid kahapon sa labas ng Jakarta at nadiskubre ang mga bomba na binabalak pasabugin ng mga suspek.

Ayon sa kay Jakarta police spokesman Argo Yuwono, binabalak ng grupo na umatake sa bisperas ng Bagong Taon.

Sinabi ni National Police spokesman Rikwanto sa MetroTV na nanlaban ang mga suspek at hinagisan ng pampasabog ang mga pulis na papasok sa bahay sa Tangerang, ang satellite city ng Jakarta. Isa pang suspek ang naaresto.

Naniniwala ang mga pulis na may koneksyon ang grupo sa mga militanteng naaresto noong Disyembre 10 sa labas ng Jakarta na nagbabalak ng suicide attack sa presidential palace.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa