PARANG buong showbiz ang masaya sa engagement nina Anne Curtis at Erwan Heussaff. Napuno ng pagbati ang Instagram ng engaged couple from their fans and followers na social media lang ang means to congratulate them.

Napanood namin sa YouTube ang video nang lumuhod at mag-propose si Erwan kay Anne na hindi namin masyadong narinig dahil parehong umiiyak ang dalawa. Pero ang linaw ng part na sinambit ni Anne ang “Yes”.

Wala pang detalye kung kailan at saan ikakasal ang dalawa, sa ngayon, masaya ang lahat dahil after six years of being in a relationship, engaged na sila. Si Anne yata ang last sa tinatawag na “it girls” na ikakasal.

Sa isa pang picture, kasama ni Anne si Amy Perez at ipinakita ng una sa huli ang engagement ring niya.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

May post din si Jasmine Curtis Smith congratulating her ate. “I am the happiest little sestra for you @annecurtissmith. Congratulations to you and @erwanheussaff! Never doubted the forever everyone sees in your relationship. God may have given you the biggest challenges in life but He also showers you with the best blessings that you deserve! Woo woot! What will be your wedding hashtag kaya?” (NITZ MIRALLES)