Tuloy ang pagpapalakas ng Partido ng Demokratikong Pilipino (PDP) ni Pangulong Rodrigo Duterte bilang paghahanda sa 2019 elections.

Sinabi ni Speaker Pantaleon Alvarez, secretary-general ng PDP, na sa 2017 ay magkakaroon ng pambansang pagpupulong ang ruling party upang ratipikahin ang constitution at by-laws nito.

“At dito po ay gagawin natin ay magkakaroon ng miyembro ang PDP-Laban hanggang sa barangay level. Kaya po sa susunod na election sa 2019 kukumpletuhin po natin ang ticket ng PDP magmula sa senador, congressman, gobernador, mayor, at lahat po ng opisyales sa local government,” ani Alvarez.

Binanggit din niya na todo suporta ang Kamara sa priority legislation ng Pangulo gaya ng pagbabalik sa parusang kamatayan at criminal liability sa kabataang nagkasala. (Bert de Guzman)

Tsika at Intriga

Kris Aquino, hinihikayat ulit na magpaalbularyo