Gaya ng ipinangako ni Pangulong Duterte, tatanggap ng bonus na mula P100,000 hanggang P400,000 ang bawat heneral ng Philippine National Police (PNP) bilang pasasalamat sa pagsuporta sa kanyang kampanya kontra ilegal na droga.
Ito ang isiniwalat ni PNP Chief Director General Ronald “Bato” Dela Rosa sa Christmas party ng PNP sa Camp Crame sa Quezon City, kahapon.
Sinabi ni Dela Rosa na ang mga hepe ng iba’t ibang himpilan ng PNP na may below star rank ay tatanggap din ng P50,000.
At nang tanungin kung magkano ang tinanggap niyang bonus, diretsahang sumagot si Dela Rosa ng, “P400,000”.
(Fer Taboy)