LIPA CITY – Patay ang isang empleyado ng litsunan ng manok makaraang makuryente matapos maglinis ng tsimeneya ng establisimyento sa Lipa City, Batangas.

Kinilala ang biktimang si Cyrill Mercado, 44, maintenance sa Andok’s at taga-Taguig City.

Ayon sa report ni SPO1 Oliver Morcilla, dakong 1:15 ng umaga nitong Biyernes at katatapos lamang ni Mercado na maglinis ng chimney ng litsunan sa Barangay Inosluban at pababa na mula sa taas nang mahawakan ang live wire at nakuryente. (Lyka Manalo)

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito