BEIRUT/AMMAN (Reuters) – Sinunog ng armadong kalalakihan ang limang bus na gagamitin sana sa evacuation malapit sa Idlib sa Syria noong Linggo. Naging dagok ito sa libu-libong paalis sa huling balwarte ng mga rebelde sa Aleppo.

Sinabi ng Syrian Observatory for Human Rights na ipinagpaliban ang evacuation ng mga residente malapit sa Idlib dahil sa insidente.

Sa mga video na ipinaskil sa social media, naghihiyawan sumisigaw ng “God is great” ang mga lalaki matapos sunugin ang mga berdeng bus na papasok sa mga pamayananan.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa