Disyembre 20, 1963 nang payagang makapasok sa Berlin Wall ang halos 4,000 West Berliner at mabisita ang kanilang mga kamag-anak sa East Berlin nang opisyal na buksan sa publiko ang simbolikong istruktura ng Cold War era sa unang pagkakataon matapos ang mahigit dalawang taong pagtatayo ng East Germany.
Sa muling pagkikita-kita ng mga nanay at tatay, magkakapatid noong araw na iyon, nag-umapaw ang iba’t ibang emosyon na may kasamang pagluha at pagtawa.
Narinig sa naglalakihang speaker ang pagbati sa mga bisita sa balitang sila ngayon ay nasa “capital of the German Democratic Republic,” isang political division na tinatanggihan ng nakararaming West German. Ang bawat bisita ay binigyan din ng brochure na nagpapaliwanag na itinayo ang nasabing wall upang “protect our borders against the hostile attacks of the imperialists.”