ISULAN, Sultan Kudarat – Sa nakalipas na mga buwan ay apat na unit na ng Yellow Bus Line ang sinunog ng mga nagpakilalang miyembro ng New People’s Army (NPA) sa South Cotabato at Sultan Kudarat.

Sa huling insidente, bibiyahe ang Yellow Bus unit patungong Koronadal City nang sinilaban ito ng ilang armado sa liblib na bahagi ng Santo Niño.

Dahil dito, inihayag ni Capt. Marvin Gammad, tagapagsalita ng 27th Infantry Battalion ng Philippine Army, na nagtalaga sila ng mga patrol vehicle sa mga estratehikong bahagi kung saan bumibiyahe ang naturang mga bus.

Sinabi ni Gammad na handa rin ang Army na samahan ang bibiyaheng bus kung kinakailangan upang matiyak na ligtas itong makararating sa paroroonan.

Probinsya

Pusa hinagis sa dagat para sa content; dalawang menor de edad, timbog

Wala namang napapaulat na sinaktan ang mga armado sa mga pasahero ng mga sinasilaban nilang bus. (Leo P. Diaz)