BERLIN (AFP) – Nag-rally ang protestors sa Berlin noong Sabado laban sa digmaan sa Syria at kinokondena ang international community sa kabiguang matulungan ang mga sibilyan, lalo na ang mga bata sa lungsod ng Aleppo.
Hawak ang mga karatula na nagsasabing “The children of Aleppo are calling you!”, o “Aleppo is bleeding and the world is watching”, sinuong ng tinatayang 900 katao ang napakalamig na panahon at nagtipon sa harap ng Reichstag, ang gusali ng German parliament.
Kasabay nito, 1,800 katao pa ang sumama sa pangalawang demonstrasyon sa iba pang lugar sa kabisera ng Germany, ayon sa pulisya.
“What is happening there amounts to what is the worst in the world,” sabi ni Mahmoud Almizeh, 19-anyos na Syrian refugee na nagmula sa Raqa, ngayon ay kuta ng grupong Islamic State.
Nasaksihan ng Aleppo ang pinakamalala sa anim na taon nang digmaan sa Syria, na ikinamatay na ng mahigit 310,000 katao.