INIHAYAG ni Rob Kardashian sa isang Instagram post na iniwan siya ng kanyang fiancée na si Blac Chyna na dala-dala ang kanilang isang buwang anak na babae.

Inilahad ng 29-anyos na reality star sa social media noong Sabado na kinuha ni Chyna ang kanilang anak na si Dream at umalis sa kanilang “beautiful home that I just bought for us.”

Sa kasunod na post, saad niya: “This wasn’t fake or some publicity stunt. Trust me. My one month old beautiful baby girl got taken from me along with my wife who left me.”

Inihayag nina Kardashian at Chyna ang kanilang engagement noong Abril at ang pagbubuntis ni Chyna noong Mayo. Nag-track ang E! tungkol sa relasyon ng dalawa at paghahanda para sa kanilang anak sa reality show na Rob & Chyna na ipinalabas nitong taglagas.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Ipapalabas ang Rob & Chyna episode ngayong linggo. Wala pang pahayag kung mapapanood din ang posibleng pagbabalikan nila. (AP)