JAKARTA, Indonesia (AP) – Isang Indonesian military Hercules C-130 transport plane ang bumulusok kahapon sa dulong silangan ng lalawigan ng Papua, na ikinamatay ng lahat ng 13 kataong sakay nito.

Sinabi ni air force chief of staff Agus Supriatna sa MetroTV na ang eroplano ay may kargang 12 tonelada ng pagkain at semento mula sa Timika patungong Wamena, may distansiyang halos 200 kilometro, nang ito ay bumulusok ilang minuto bago ang nakatakdang paglapag.

Aniya, posibleng ang masamang panahon ang sanhi ng pagbulusok. Sakay ng eroplano ang tatlong piloto at 10 pang tauhan.

Internasyonal

Labi ng Pinoy na binitay sa Saudi Arabia, bawal iuwi sa Pilipinas; 9 na Pinoy nasa deathrow pa