PARA kay Ashley Tisdale, ang kanyang co-star sa High School Musical at real life bestie na si Vanessa Hudgens ay regalo sa lahat ng tao.

Sa kanyang birthday greeting sa half-Filipina, half American actress, ibinahagi ni Ashley na hindi niya magagawa ang mga bagay-bagay lalo na noong kasagsagan ng HSM kung wala si Vanessa sa kanyang tabi.

“This girl. We’ve done so much together. Three movies, toured the world, played for 80,000 in South America, dressed up in wigs so we could go get food in the venue and no one would recognize us (they didn’t), heartbreak, love, laughing, crying, and I honestly couldn’t have done all that without her. @vanessahudgens you’re a gift to us all. I love you! #happybirthdayvanessa,” caption na inilagay ni Tisdale sa nakakatawang throwback photo nilang dalawa ni Hudgens sa Instagram.

Nagdiwang si Hudgen ng ika-28 kaarawan nitong Miyerkules, Disyembre 14.

Beauty Gonzalez, sinita sa paraan ng paghiwa ng kalabasa

Nagkatrabaho ang dalawa sa High School Musical trilogy ng Disney. Sa kabila ng hindi magkasundong karakter nila sa pelikula na sina Sharpay Evans (Tisdale) at Gabriella Montez (Hudgens), nanatiling malapit ang dalawa sa totoong buhay. - MB Entertainment