Malubhang nasaktan ang isang sundalo habang nasugatan din ang apat na sibilyan makaraang sumabog ang isang improvised explosive device (IED) sa Barangay Rurogagus, Marawi City, Lanao del Sur, kahapon.

Sinabi ni Lt. Col. Joselito Pastrana, commanding officer ng 65th Infantry Battalion ng Philippine Army, na positibong ang Maute terror group ang nasa likod ng pambobomba sa mga biktima.

Ayon kay Pastrana, mula sa Iligan City ay papuntang Marawi City ang tropa ng Scout Ranger Battalion nang sumabog ang dalawang IED habang dumaraan ang sasakyan ng mga biktima.

Nagtamo ng sugat sa ulo si Sgt. Adrian Gaon, habang nasugatan din ang mga sibilyang sina Fatima Nawira, guro; Hafi Daluma; Hasbea Daluma; at Adatu Gula.

Probinsya

'Amoy kiffy na?' Shoplifter, isinuksok sa panty mga ninakaw na paninda sa mall

Ipinag-utos naman ni Marawi City Mayor Majul Gandamra ang masusing imbestigasyon sa pagsabog. (Fer Taboy)