bimby-josh-at-kris-copy

NAKAALIS na sina Kris Aquino, Josh at Bimby papuntang United States of America.

Hintayin nating mag-update sa Instagram si Kris para malaman kung saang state sila nagbabakasyon kasabay ng pagpapa-check-up niya sa kanyang karamdaman.

Ang huling post ni Kris habang naghihintay ng eroplanong sasakyan, “Dr. @ayenuguid (my sons’ paediatrician) deserves a shoutout of gratitude & love. He’s accompanying us so that a doctor will be present when I do all my tests -- I’m sorry to all his patients who’ll be missing his attentive care in the next two weeks. Just waiting to board but the two boys had to have their favorite @flypal’s arroz caldo.”

Sino si Jaeger Tanco na anak ng bilyonaryong nasa likod umano ng pagpapakalat ng fake news laban kay VP Sara

Napansin ng followers ni Kris sa IG ang napakaraming bagahe nilang mag-iina. May nagtanong tuloy kung magtatagal sila sa ibang bansa sa rami ng kanilang dala-dalang mga maleta. Hindi pa kasama roon ang hand carry bag na dala nila.

(Nitz Miralles)