prince-harry-at-meghan-copy

SA unang pagkakataon, nakuhanan ng litratro na magkasama si Prince Harry at kanyang girlfriend na si Meghan Markle nitong Miyerkules, sa isang Christmas lights at theater performance sa central London.

Sa eksklusibong mga larawang kuha ng The Sun, parehong nakasuot ng casual winter clothes at beanies ang 32-anyos na royal at ang kanyang girlfriend na American actress, at may kasamang isang royal police protection officer.

Iniulat ng The Sun ang panonood ng magkasintahan sa show.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Kinumpirma ng source na malapit sa production sa ET na kasama si Prince Harry sa audience ng The Curious Incident of the Dog in the Night-Time, idinagdag na natuwa ang kumpanya sa pagdalo ng prinsipe sa palabas.

Hindi ito ang unang pagkakataon na namataan ang dalawa na magkasama sa winter wonderland ng London ngayong linggo.

Noong Lunes, bumili ang magkasintahan ng Christmas tree sa Pines in Needles sa Battersea Park, at may eksklusibong detalye ang ET mula sa staff ng shop na naghintay para sa magkasintahan.

“It was super casual. They were really nice,” paliwanag ng staff na si Zaqia Crawford. “They just looked like two people chilling on a date who picked up a tree. They weren’t overly affectionate, but you know that air you get when you know that you’re dating? You got the vibe, but it wasn’t mushy.” (Entertainment Tonight)