NAKASISIRA ng blood vessel sa baga ang polusyon sa hangin, ayon sa pag-aaral sa mahigit 16,000 pasyente na iprinisinta sa EuroEcho-Imaging 2016.

“This is the first human study to report an influence of air pollution on pulmonary vascular function,” saad ng lead author na si Dr Jean-Francois Argacha, isang cardiologist sa University Hospital (UZ) sa Brussels, Belgium. “This is a major public health issue for people living in polluted urban areas where exercise could damage the lungs and potentially lead to decompensated heart failure.”

Mahalaga ang pagtataguyod ng mas malinis at ligtas na kapaligiran tulad ng pag-iwas sa kadalasang dahilan ng panganib, tulad ng mataas na cholesterol, upang maiwasan ang cardiovascular disease. Binubuo ang polusyon sa hangin ng particles (particulate matter (PM, na magkakaiba ang sukat) at gases (nitrogen dioxide, ozone, etc).

“Such studies are important because if air pollution causes narrowing of the blood vessels in the lungs (vasoconstriction), this combined with the systemic effects of pollution could cause decompensated heart failure,” ani Dr Argacha.

Eleksyon

Mayor Honey Lacuna, inisyuhan din ng show-cause order dahil sa umano’y vote-buying, ASR

Sinuri ng isinagawang pag-aaral ang epekto ng polusyon sa hangin sa pulmonary haemodynamics sa populasyon at bawat indibiduwal. Inalam ng population study kung nakakaapekto ang pangkaraniwang lebel ng polusyon sa hangin sa labas sa echocardiography paramenters na madalas gamitin para suriin ang pulmonary circulation at ang function ng right ventricular. Simula 2009 hanggang 2013, isinagawa ang transthoracic echocardiography kabilang ang pagsusuri ng pulmonary pressure sa 16,296 indibiduwal at iniugnay sa pangkaraniwang polusyon ng hangin sa Brussels. Sinuri ng mga awtor kung sino sa mga pasyente ang mas madaling kapitan ng epekto ng polusyon sa hangin. Siniyasat naman sa individual study ang epekto ng polusyon sa hangin sa pulmonary circulation sa 10 malulusog na lalaking nag-volunteer na na-expose sa pollutants sa chamber na may standardized condition.

Pahayag ni Dr Argacha: “Air pollution was associated with increased pulmonary vascular tone which makes it more difficult for blood to flow to the lungs. Longer exposure to air pollution exposure seems necessary to impair right ventricular systolic function. Patients with obstructive sleep apnoea were at greater risk.”

“This suggests that pollution is more harmful to the lung circulation during exercise,” ani Dr Argacha.

Sabi pa niya: “Our dual approach provides original data on the impact of air pollution on the pulmonary circulation.

The individual study strengthens the plausible link emerging from the epidemiological research.”

Tungkol sa pagpapababa ng panganib sa kalusugan, saad ni Dr. Argacha: “Our main advice is to limit physical activities during heavy air pollution. More studies are needed before specific recommendations on intensity and duration of exercise can be given. Emission controls such as particulate filters have reduced tailpipe emissions, but other sources such as engine crankcases, tyres and brake wear are becoming important. No strong evidence exists on effectiveness of face masks to eliminate or reduce particle exposure.”

Diesel emission control has been associated with health outcomes5 but unfortunately the standards defined by the European Union differ from those of the World Health Organization,” dagdag niya. (Medical News Today)