NAGKASYA si GM Mark Paragua sa hating puntos kontra eighth seed GM Kirill Stupak ng Belarus sa 31 sulong ng Queen’s Pawn Game upang manatili sa liderato kasalo ang tatlong iba matapos ang tatlong round nitong Miyerkules ng Philippine Sports Commission-Puregold International Chess Challenge sa Subic Bay Peninsular Hotel.

Tangan ni Paragua, nakabase sa United States, ang impresibong magkasunod na panalo na isa sa kanyang kababayan na si IM Oliver Dimakiling, subalit hindi nasandigan ang bahagyang abante sa puwesto at nakipagkasundo na lang kay Stupak.

Bagama’t, nagtabla napanatili ni Paragua ang kanyang katayuan kasama sina Stupak, top seed GM Wang Hao ng China at No. 4 GM Levan Pantsulaia, na may natipong 2.5 puntos sa nine-round event na suportado ng Philippine Sports Commisison(PSC), Burlington, Marc Adventures Mining Inc. at Puregold.

Si Wang, nanguna sa unang leg ilang araw ang nakaraan, ay nagwagi sa kababayn na si WGM Lei Tingjie sa French Defense sa madali at matinding 23-sulong, habang pinabagsak ni Pantsulaia sa opening round ang Pilipino na si Hamed Nouri sa 42 moves ng Queen’s Indian upang umakyat sa apat na kataong liderato.

Romualdez, pinasalamatan tennis player na si Alex Eala

Nakasunod sa lider ang malaking grupo na may tig-dalawang puntos na binubuo nina GM Eugene Torre, IM Jan Emmanuel Garcia, GM Joey Antonio at GM Darwin Laylo.

Si Torre at Garcia ay nagsagupa sa 31 sulong standoff ng Slav duel habang sina Antonio at Laylo ay naglaban sa 30-move split ng Slav.

Nagtabla rin sina WIM Janelle Mae Frayna kay IM Paulo Bersamina sa 34 sulong upang manatili sa labanan sa bitbit na 1.5 puntos.

Gayunman, para mabitbit ang mga titulo ay kailangan ni Frayna, na kasalukuyang rated 2320, na maabot ang kailangan na 2400-rating mark.