maine-at-kris-copy

MAAGA naming nakausap si Rams David, ang presidente ng Triple A, talent arm ng APT Entertainment, Inc. ni Mr. Tony Tuviera, sa thanksgiving lunch na ibinigay nila para sa entertainment press.

Ang Triple A ang namamahala sa career nina Marian Rivera, Maine Mendoza, Jerald Napoles, Andrea Torres, Andrew Garcia, Taki, That’s My Bae, Baste, at ni Ms. Kris Aquino. Ang tungkol sa pagbabalik sa teleserye ni Marian ang una naming naitanong, kung matutuloy na ba ito.

“Baka hindi pa muna, kasi nagbi-breastfeeding pa rin siya kay Baby Zia,” sagot ni Rams. “Nag-try siyang bigyan na ng milk formula si Zia, pero araw tanggapin ng bagets, ayaw naman ni Yan na pilitin ang anak. Siguro habang bini-breast feed pa niya si Zia, magsisimula na rin siya para makapagbangko na siya at hindi sila magmadali kapag regular taping na.”

Human-Interest

ALAMIN: Mga inisyatibo ng NCCA sa pagpapakilala ng kultura ng mga katutubo

Nagpahayag din si Rams na next year na magpu-full blast sa digital platform si Kris na siya raw uso ngayon sa buong mundo. Wala pa raw namang network si Kris, kaya sa bagong medium na ito muna siya magpu-focus.

Biro pa ni Rams, bago umalis si Kris, for San Francisco, California for a Christmas vacation at medical examination, ginawa na ang one-on-one interview niya kay Maine at nobela raw ang pag-uusap ng dalawa.

Tama iyong sabi ni Kris sa kanyang Instagram post na three parts ang kanyang Facebook Live.

Si Rams ang talent manager na hindi sumasakay sa anumang issue. Nilinaw niya na kapag may issue na alam naman niyang hindi totoo, hindi na niya sinasagot ang mga nagtatanong sa kanya. Kaya kusa na lang din namang nawawala ang issue.

Ibinalita rin ni Rams na patuloy na dumarating ang offers ng endorsements sa kanilang talents. After ng TV commercial nina Marian at Zia, sina Dingdong naman at Zia ang magsasama sa isa ring TVC. Bagamat naroon din si Marian, sa mag-ama ang focus. Nag-renew rin ang iba pang endorsements ni Marian at may mga bago pang offers.

Naniniwala si Rams na hindi pa bumababa ang popularity ni Maine. Intact pa rin ang endorsement contracts niya, at nagri-renew pa rin ang iba.

Tuluy-tuloy na ang paggawa ng teleserye nina Maine at Alden Richards sa GMA 7 titled Destined To Be Yours na may location shooting, kaya aayusin ang schedule nila sa Eat Bulaga. Tapos na ang story conference nila at magsimula na silang mag-taping bago sumapit ang Pasko. Kaya ipinakikita na sa GMA 7 shows ang plug shoot na ginawa nila a week ago.

Tuluy-tuloy din ang blessings na dumarating sa iba pang talents ng Triple A na lahat ay may show.

“Kaya labis-labis ang aming pasasalamat sa inyo sa lahat ng inyong suporta sa Triple A at sa mother company nito na APT Entertainment, Inc. Hangad namin ang mas mahaba pa nating pagsasama-sama. Salamat!”

Mula rin sa amin, ang taos-pusong pasasalamat sa blessings shared to us. (NORA CALDERON)