matteo-at-sarah-copy

MARAMI ang nakapansin sa pagiging emosyonal ni Sarah Geronimo sa kanyang The Great Unknown Unplugged concert kamakailan.

Nagkataon wala nang gabing iyon ang kanyang boyfriend na si Matteo Guidicelli. Naghinala tuloy ng mga nanood ng concert sa Kia Theater na may LQ (love quarrel) silang dalawa.

Pero sa panayam kay Matteo ng ABS-CBN news, nilinaw nito kung bakit emosyonal at naiyak ang kanyang kasintahan nang gabing iyon?

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

“I think she just felt very overwhelmed. She is very thankful that everybody came out for her show. She’s that humble. She’s super humble na every time she goes out, she just feels super blessed and feels super overwhelmed.

That’s how nice of a person she is,” depensa ni Matteo sa girlfriend.

Marami pa naman ang fans nilang dalawa na naghintay kung sosorpresahin ba niya si Sarah that night. Tuloy, bina -bash si Matteo dahil hindi man lamang daw siya naglaan ng oras para sumaglit sa concerrt ng popstar princess. Samantalang ang aktres-singer daw ay lumipad pa papuntang Cebu para maging personal na panauhin sa concert nito sa Waterfront Hotel?

“There’s just some things you can’t say, some things you can’t do,” malumanay na depensa ni Matteo sa sarili. “You just keep quiet and let life move on and make everybody happy.”

Sa mga nakakaunawa, sadya lang na hindi nagpakita ang aktor para huwag mang-agaw ng eksena sa gabi ng kanyang pinakamamahal.

Ang importante, nilinaw ni Matteo sa naturang panayam na “going strong” pa rin ang relasyon nila ni Sarah.

(ADOR SALUTA)