john-lloyd-at-angelica-copy

SINABI ni John Lloyd Cruz sa isang panayam na kahit nananatili siyang single, buo pa rin ang kanyang pagdiriwang ng Pasko ngayong 2016. Hindi kakulangan para sa kanya ang kawalan ng girlfriend at hindi siya maghahanap para masabi lang na kumpleto na ang kanyang Pasko.

Ang huling girlfriend niya ay Angelica Panganiban na aniya’y naging bahagi ng kanyang nakaraan at manananatiling isang kaibigan. Enjoy naman sa kanyang buhay si Lloydie kahit zero ang kanyang buhay pag-ibig sa ngayon.

“It’s not about being single. It’s all about enlightenment para sa akin. It’s all about new discoveries about yourself, your life, kung ano ang gusto mong mangyari. You only live once and I, definitely, I want to make the most of it. Kung anuman ang pagdadaanan nating journey, it’s all going to be worth it for sure,” wika ng aktor.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Gaya ng dati na niyang sinabi, best of friends sila ngayon ni Angelica at nananatili ito ngayong hindi na sila romantically involved sa isa’t isa.

“If anything, siyempre we don’t want to lose the friendship. Si Angelica has been my best friend and, I think she will remain my best friend for life. Walang makakapagpabago noon,” mariing sabi ni John Lloyd.

Hiningan si Lloydie ng reaksiyon tungkol sa pahayag ni Angelica nang interbyuhin sa Tonight With Boy Abunda na taglay niya ang mga katangian ng lalaki na gusto nitong pakasalan. Na husband material siya.

“Good choice, Angge,” pabirong sabi ni Lloydie. “Mabigat ‘yun, ah. Any guy would be flattered especially coming from a woman like Angge. Anything beyond that, hindi ko na alam,” biro uli niya.

Hindi kaya mauwi sa mas malalim uling relasyon ang magandang samahan o friendship nila ngayon?

“I think we are going beyond our… let’s not get ahead of ourselves right now. This is not the best time to talk about that,” paiwas na sagot ng aktor. (Ador Saluta)