Pinaghahanap ngayon ng pulisya ang isang Sangguniang Bayan member makaraang mapatay nito ang isang saleslady sa walang habas na pagpapaputok ng baril habang lasing sa bayan ng Bambang sa Nueva Vizcaya, iniulat kahapon.
Nagtatago na si Arnel Duldulao, Sangguniang Bayan member ng Bambang, na suspek sa pagpatay kay Aiza Manawis, 19, saleslady at taga-Kasibu.
Batay sa imbestigasyon ni SPO2 Noel Atabay, ng Bambang Municipal Police, galing sa inuman at lasing na lasing umano si Duldulao nang dalawang beses na barilin sa dibdib si Manawis, na noon ay nakatayo sa labas ng pinagtatrabahuhang tindahan. (Fer Taboy)