Ipinahayag ni Hall-of-Fame promoter Bob Arum na nakatakdang magbalik aksiyon si eight-division world champion Senator Manny Pacquiao sa Hunyo.

“Manny’s next fight could be as late as June,” pahayag ni Arum sa BoxingScene.com.

“He’s gonna fight twice a year, so if he fights in June and fights in November, that’s OK. And I wanna get away from the cards that are on pay-per-view that shouldn’t be on pay-per-view.”

Huling lumaban si Pacquiao nitong Nobyembre 5 sa Thomas & Mack Center sa Las Vegas, Nevada kung saan tinalo niya sa kumbinsidong 12-round unanimous decision si Mexican American Jessie Vargas para mabawi ang WBO welterweight title at mapaganda ang rekord sa 59-6-2, tampok ang 38 knockout.

Karl Eldrew Yulo sinabihang 'wag magbago, 'wag gagaya sa kuya

Matatapos ang kontrata ni Pacquiao sa Top Rank sa taong 2017.

Plano ni Arum na magsadya sa Pilipinas sa Enero para pag-usapan ang sunod na laban ni Pacman na posibleng kay WBC at WBO light welterweight champion Terence Crawford ng United States na may perpektong record na 30-0, kabilang ang 20 knockout.

Ngunit, mas gusto ng trainer ni Pacquiao na si Hall of Famer Freddie Roach na hamunin si WBO super welterweight champion Saul “Canelo” Alvarez na tiyak na papatok sa PPV platform.

Ngunit, mababagong lahat ang plano kung kakagatin ni dating pound-for-pound king at undefeated world champion Floyd Mayweather, Jr. ang alok na rematch.

“I’m not holding my breath,” dagdag ni Arum. “But obviously, if Floyd decides to come back and wants to fight Manny, that’s the fight we would work on. But there’s no indication that that’s the case.” (Gilbert Espeña)