Inihayag ng Malacañang bilang special non-working days ang Disyembre 26, 2016 at Enero 2, 2017 o ang mga araw pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon.

Sa Proclamation No. 117 na pirmado ni acting Executive Secretary Menardo Guevarra, nakasaad na ang nabanggit na mga petsa, na parehong Lunes, ay “special (non-working) days [that] will give the people full opportunity to celebrate the holidays with their families and loved ones.”

Nangangahulugan ito na magkakaroon ng mas mahabang weekend ang publiko sa pagdiriwang ng Pasko at Bagong Taon.

Nabatid na parehong natapat sa weekend ang Disyembre 24 at 25, gayundin ang Disyembre 31 at Enero 1. (Beth Camia)

National

Bilang ex-DepEd chief: VP Sara, masaya sa naitayong museo sa Camarines Norte