Patuloy na inoobserbahan ang isang 17-anyos na estudyante matapos pagtulungang bugbugin at pagsasaksakin ng dalawang kapwa menor de edad sa Quiapo, Maynila, kamakalawa ng hatinggabi.

Nagtamo ng mga saksak sa likod, braso at sugat sa ulo at iba pang bahagi ng katawan si Marvin Tallud, 17, ng 1648 Quezon Boulevard, Quiapo makaraang bugbugin nina ‘Darius’ at ‘Kalbo’.

Sa ulat ni Police Chief Inspector Michael Garcia, deputy station commander ng Manila Police District (MPD)-Station 3, pauwi na si Tallud mula sa isang Internet shop sa Morayta, Sampaloc nang salubungin at pagtulungang bugbugin at saksakin ng mga suspek.

Ayon kay SPO4 Noel Villamor, may hawak ng kaso, paglabas pa lang ni Tallud at ng kanyang kasama sa Internet shop ay bigla na lang silang pinagbabato ng mga suspek dahilan upang sila’y kumaripas palayo at nagkahabulan.

Nasawi sa Air India nasa 270 na; pagkilala sa bangkay ng mga biktima, nagpapatuloy!

Ngunit, pagsapit sa naturang lugar ay naabutan ang biktima at agad binugbog at pinagsasaksak ng mga suspek.

Patuloy ang pagtugis kina Darius at Kalbo. (Mary Ann Santiago)