INIHAYAG ng music superstars na sina Mariah Carey at Lionel Richie ang kanilang joint tour nitong Lunes, Disyembre 12.

Magsasama ang dalawang mang-aawit para sa All the Hits Tour, na magsisimula sa Baltimore sa Marso 15.

Mabibili na ang tiket para sa 35-date tour ni Richie na tatampukan ni Carey bilang special guest, simula sa Sabado, Disyembre 17, at magtatapos naman ang tour sa Fort Lauderdale sa Mayo 27.

Nakilala si Richie sa kanyang mga patok na awiting All Night Long, Dancing on the Ceiling, at Hello; si Carey ay sumikat sa mga awiting Hero, Vision of Love, at Dreamlover.

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter

Bukod sa pagkakaroon ng No. 1 singles, mayroon pang pagkakapareho sina Carey at Richie: Kinanta ni Lionel ang kanyang original hit na Endless Love kasama si Diana Ross, at ginawan ito ng bersiyon ni Carey kasama si Luther Vandross.

(Yahoo Celebrity)