NAG-FIRST DAY taping na ang My Love From The Star noong Lunes na sa Festival Mall ang location. Sa napanood naming video na nai-post sa social media, pinagkaguluhan si Jennylyn Mercado at ang kaparehang newcomer na si Gil Cuerva ng kinikilig na fans.

Base sa video, hindi nagpagupit ng mahabang buhok si Gil, so hindi gagayahin ng GMA-7 at ni Direk Joyce Bernal ang short hairstyle na may bangs ng Korean actor na gumanap bilang Matteo Do sa original na Korean drama.

May ilang fans ng My Love From The Stars na na-disappoint sa mahabang buhok ni Gil, pero okay lang naman sa karamihan na long-haired si Matteo Do sa Pinoy version.

Early next year ang airing ng show na marami na ang nag-aabang. Nakakatuwa nga dahil may gustong this December na ipalabas ang My Love From The Star, hindi na makapaghintay ang fans. (Nitz Miralles)
Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos