Patay ang isa sa mga umano’y miyembro ng ‘Bukas-Kotse’ gang habang nakatakas ang tatlo nitong kasama nang mahuli umano sa aktong pinagnanakawan ang isang sports utility vehicle (SUV) sa Malate, Maynila, kahapon ng madaling araw.

Inaalam pa ng mga pulis ang pagkakakilanlan ng napatay na suspek na inilarawang nasa edad 22-27, may taas na 5’5”, at katamtaman ang pangangatawan.

Sa ulat ni SPO2 Charles John Duran, ng Manila Police District (MPD)-Crimes Against Persons Investigation Section (CAPIS), dakong 1:10 ng madaling araw, nagpapatrulya ang mga tauhan ng MPD-Station 9 nang mamataan ang mga suspek na kahina-hinala ang kilos at nasa tabi ng isang pulang Mitsubishi GLX (NP3226), sa madilim na bahagi ng Ayala Street, Malate.

Hinintuan umano ng mga pulis ang mga suspek at tinanong kung ano ang kanilang ginagawa, ngunit sa halip na sumagot ay bigla na lang umanong bumunot ng baril ang isa sa mga ito at pinaputukan ang mga pulis.

National

#WalangPasok: Class suspensions ngayong Biyernes, Sept. 20

Hindi nag-aksaya ng panahon si PO1 Michael Tica at pinaputukan ang mga suspek na naging sanhi ng pagkamatay ng isa sa mga ito.

Narekober sa lugar ang dalawang ice pick at bintana ng sasakyan na plano sanang pagnakawan ng mga suspek.

(Mary Ann Santiago)