Ibinasura ng Sandiganbayan ang kasong plunder laban kay dating Department of Agriculture (DA) Undersecretary Jocelyn “Joc-joc” Bolante kaugnay ng P723-million fertilizer fund scam.

Sa desisyon, idinahilan ng 2nd Division ng anti-graft court ang pagkabigo ng prosekusyon na patunayan ang kanilang alegasyong nagnakaw si Bolante.

“Just like the previous finding of this Court in the original Information that there is no probable cause to hold the accused liable for the crime of plunder,” diin ng korte.

Ayon sa hukuman, hindi matibay ang sinumpaang salaysay ng state witness na si Jose Barredo, Jr. na naging “runner” umano siya sa naturang scam. (Rommel P. Tabbad)

Tsika at Intriga

Jude Bacalso, nanindigang valid complaint pagtawag ng 'Sir' sa kaniya ng waiter