kanye-copy

MUKHANG mabuti na ang kalusugan ni Kanye West nang una siyang mamataan sa New York City nitong Lunes, simula nang lumabas siya sa ospital.

Namataan ang 39-year-old GRAMMY winner, na mukhang maayos na ang pakiramdam, sa SoHo neighborhood ng New York City.

Ang larawan ni Kanye sa Instagram ang unang public appearance ng rapper simula nang ma-confine siya sa UCLA Medical Center noong Nobyembre 21.

BALITAnaw

BALITAnaw: Ang dalawang babaeng naging pangulo ng Pilipinas

Bagamat naging tikom ang bibig ng pamilya Kardashian sa nangyari kay West, napag-alaman kamakailan ng ET na mapag-uusapan ito sa kanilang reality show na Keeping Up With the Kardashians.

Unti-unti na ring bumabalik ang asawa ni West na si Kim Kardashian sa spotlight simula nang manakawan at matutukan ng baril sa Paris dalawang buwan na ang nakalilipas.

Lumabas si Kim na nakasuot ng lace-up bra sa isang video para sa day 12 ng online advent calendar ng Love magazine na inilabas nitong Lunes. (Entertainment Tonight)