Hindi magiging hurado si Pangulong Rodrigo Duterte sa prestihiyosong Miss Universe pageant na idaraos sa bansa sa Enero.

Sa press conference kahapon, sinabi ni Miss Universe Organization President Paula Mary Shugart na may isang patakaran na nagbabawal sa opisyal ng gobyerno na maging hurado sa Miss Universe pageant.

“It’s very hard to be a government official and to be [a judge]. We established the policy not to have government officials be judges,” pahayag ni Shugart.

Idinagdag niya na mahirap para sa isang opisyal ng pamahalaan na maging hurado sa nasabing patimpalak.

National

De Lima, hinamon si Roque na sumuko: 'Hindi 'yung nagtatapangan lang siya!'

“It’s very hard on everybody because government officials, you know, they’re gonna have to be neutral. It’s very hard, you know. I think there’s a lot of pressure if you’re the host country. So that’s the policy... unfortunately, but I’m sure everybody will be there,” dagdag ng MOU official.

Samantala, hindi binanggit ni Shugart kung sinu-sino ang magiging hurado, ngunit tiniyak na ipapaalam din nila ito sa mga susunod na araw. (Charina Clarisse L. Echaluce)