groufie-ng-cast-ng-meant-to-be-at-cebu-followers-copy

DINUMOG ng fans ang back-to-back Kapuso Mall shows ng upcoming GMA Telebabad series na Meant To Be sa Cebu nitong nakaraang December 3. Mainit na sinalubong ng mga Cebuano ang pagbisita ng mga bida ng nasabing Kapuso rom-com sa Gaisano Capital SRP Talisay at Gaisano Capital South.

Sweet at umapaw ang kilig sa Saturdate na handog nina Barbie Forteza, Jak Roberto, Addy Raj, at Ivan Dorschner sa kanilang fans bilang bahagi ng promo tour ng light romance drama na mapanood na sa Enero.

Overwhelmed ang Meant To Be princess na si Barbie sa napakainit na pagsalubong sa kanila.

Mga Pagdiriwang

Paskong Pilipino, pinakamahabang kapaskuhan sa buong mundo

“Daghang salamat, mga Kapusong Cebuanos sa mainit na pagtanggap ninyo sa cast ng Meant To Be kahit ‘di pa kami umeere,” sabi ng dalaga.

“Sobrang na-enjoy po namin ang pagbisita namin sa Cebu,” sang-ayon naman ng Kapuso hunk na si Jak, isa sa leading men sa series. “Sana po sa pagbalik namin, ganu’n pa rin ang pagtanggap ninyo sa amin. Naramdaman namin ‘yung pagmamahal ninyo. God bless you always.”

Nagkagulo ang fans nang mag-perform ang heartthrobs ng kani-kanilang song numbers. Malalakas ang hiyawan sa event nang imbitahan nina Jak, Addy, at Ivan ang ilang masusuwerteng fans sa stage.

“Salamat po sa energy at lakas ng boses na binigay ninyo sa aming show,” sabi ng bagong Kapuso star na si Ivan.

Kamakailan ay pumirma na ng kontrata sa GMA Artist Center si Ivan kasama ang kanyang co-star na si Addy, at pareho silang masaya sa naging pagtanggap ng kanilang Cebuano fans.

“Sobrang masaya ako kasi sobrang heart-warming ng pag-welcome ninyo,” sabi ni Addy. “Ang sarap ng lechon ninyo! Babalik ako sa Cebu,” dagdag pa niya.

“Napakasaya ninyo pong kasama kaya sana po makabalik kami sa Cebu. Sana po suportahan ninyo ang first GMA drama offering ngayong 2017,” sey ni Barbie.

Kasama rin sa Meant To Be si Ken Chan. Sa series na ito, ang simpleng dalagang si Billie (Barbie) ay makikilala ang apat na poging lalaki (Jak, Addy, Ivan, at Ken) mula sa iba’t ibang lahi at mai-in love sa kanya. Dapat abangan ng viewers kung sino sa kanila ang pipiliin ni Billie.