Inumpisahan na ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ang paglilinis sa hanay ng ahensiya sa pagsibak sa puwesto sa 44 na opisyal at kawani nito kaugnay ng pagkakasangkot umano sa katiwalian.

Sinibak sa puwesto ni LTFRB Chairman Martin Delgra III ang 44 na opisyal at tauhan ng ahensiya sa National Capital Region (NCR) office matapos matuklasang nagmamantine ang mga ito ng “ghost database” na ginagamit umano sa katiwalian.

Kabilang sa nasibak at ipatatapon sa Mindanao si LTFRB-NCR Director Rodolfo Jaucian, na pinalitan na ni Edel Broso bilang officer-in-charge.

Sa surprise inspection, nadiskubre ni Delgra ang sinasabing mga ghost database na ginagamit umano sa mga maanomalyang transaksiyon, gaya ng pagbuhay sa mga nag-expire nang prangkisa ng mga utility vehicle.

Eleksyon

Makabayan senatorial bets, winelcome ni Ex-VP Leni sa Naga

Kaugnay nito, humingi na rin ng paumanhin si Delgra sa publiko dahil sa “mabagal na pag-usad ng mga aplikasyon”, na resulta, aniya, ng pagkakasibak sa maraming opisyal at empleyado ng ahensiya sa Metro Manila.