Nangako si Steve Harvey, ang Miss Universe host na nagkamali sa paghahayag ng nanalo sa pageant noong 2015, “[to] do amazing” sa muli niyang pagho-host sa prestihiyosong patimpalak, na idaraos sa Pilipinas sa susunod na buwan.

“Steve Harvey will be hosting again. And I had a chance to speak with him when I went on his show. He’s gonna do amazing this time, he promised me,” sinabi ng pambato ng Amerika sa Miss Universe 2017 na si Deshauna Barber nang tanungin tungkol sa mga inaasahan niya sa 65th Miss Universe pageant.

Una nang inihayag ng Department of Tourism (DoT) na si Harvey rin ang magho-host ng 2017 Miss Universe dito sa Pilipinas.

Matatandaang sinabi ni Tourism Undersecretary Kat de Castro sa isang panayam ilang buwan na ang nakalilipas na hiniling ni Harvey sa Miss Universe Organization na personal siyang makahingi ng paumanhin sa mga Pilipino sa nagkamali niyang pagbanggit sa pangalan ni Miss Colombia Ariadna Gutierrez bilang bagong Miss Universe; gayung ang pambato nating si Pia Wurtzbach ang tunay na nanalo.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Personal nang humingi ng paumanhin si Harvey kina Gutierrez at Wurtzbach ilang linggo matapos ang pageant noong Disyembre 2015.