jennylyn-at-gil-copy

SA post na “Finally... Steffi found her Matteo! Mission finding Matteo done!” in-announce ni Jennylyn Mercado ang pagkakapili sa Fil-Spanish international model na si Gil Cuerva para maging leading man niya sa Pinoy version ng Korean drama na My Love From The Star.

Napag-alaman namin na kabilang sina Jennylyn at Direk Joyce Bernal sa mga pumili kay Gil na gaganap sa role ni Matteo Do. Ginanap ang storycon noong Biyernes at nag-guest sina Jennylyn at Gil sa 24 Oras para pormal nang ibalita na silang dalawa na nga ang gaganap sa role nina Matteo at Steffi Cheon.

Matagal ding hinanap ng network ang gaganap sa role ni Matteo na originally ay kay Alden Richards ibinigay. Hindi pumuwede si Alden dahil nagreklamo ang ilang AlDub fans na para lang daw ito kay Maine Mendoza. Kaya nagpa-auditon ang Kapuso Network.

Human-Interest

Kompanya, pinapahanap breadwinner na naiyak sa regalong panty ng nanay niya

Bukas ang schedule na first day taping ng My Love From The Star na naka-schedule naman ang airing sa early part ng 2017. Ngayon pa lang, marami na ang nag-aabang sa bagong tambalang ito.

Samantala, hindi na sinagot ni Jennylyn ang tanong kung bakit wala si Patrick Garcia sa First Communion ng anak nilang si Jazz. Ang teacher ni Jazz ang kasama nito na ikinalungkot at ikinaawa ng mga nakakita sa picture ng bata.

Pero malay natin at hindi lang sinabi ni Jennylyn kay Patrick na may First Communion ang anak nila kaya wala si Patrick. Ang importante, masaya ang mag-ina na silang dalawa lang ang magkasama at tinutulungan si Jennylyn na palakihin ang anak ng mga nagmamahal sa kanilang mag-ina. (NITZ MIRALLES)